SUV ng pinsan ni Mar Roxas, na-carjack

NANAWAGAN ang pinsan ni dating Senador Mar Roxas na si Margarita Fores sa pamahalaan na solusyonan na ang lumalalang insidente ng carnapping sa bansa.

Ito ay makaraang mabiktima rin siya ng carjacking nang tangayin ng hindi nakilalang mga salarin ang kanyang kanyang sasakyan na ipinarada ng kanilang family driver na si Roberto Villanueva sa Dela Rosa St., San Lorenzo Village, Makati, Martes ng gabi.

Ayon kay Flores, 11 ng gabi habang ipinaparada ni Villanueva ang Toyota Land Cruiser sa lugar nang harangin siya ng dalawang lalaki, tinutukan ng baril, bago pinababa ng sasakyan.

Dito na tinangay ng mga suspek ang Toyota Land Cruiser (ZTG 747) ng biktima palabas ng San Lorenzo village.

Matapos makabawi sa shock, humingi ng tulong ang driver sa mga guwardiya sa subdivision at inalerto na rin ang pulisya.

Sinabi ni Fores na may back-up car pa na puting Nissan Terrano ang mga suspek kaya mabilis silang nakatakas.

Inihayag ni Fores na umaasa siya na magagawan ng solusyon ng gobyerno ang mga ganitong uri ng krimen.

Ang sunod-sunod na carjacking incident sa Metro Manila ay nakaaalarma na sa mga may-ari ng sasakyan na maituturing nang hindi sila ligtas sa masasamang loob, kahit nasa loob pa sila ng kanilang sariling sasakyan. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply