T. enforcer mayabang pero wala namang alam

MAY mayayabang na traffic enforcers ng Binangonan, Rizal dahil kung umasta sa kalye ay daig pa ang mga pulis.

Pawang mga bobo na-man daw ang mga ito dahil walang alam sa rules sa traffic at ni wala ring mga seminar na dinaluhan. Nag-iiyakan na ang mga magta-tricycle sa nasabing bayan.

Ano ba ang masasabi rito ni Binangonan Mayor Cecilio ‘Boyet’ Ynarez?

Paki-seminar na rin ninyo ang mga  traffic enforcer na Special Action Unit. Nagdudunung-dunungan pero mga bobo naman, ayon sa mga driver.

Basahin ninyo ang text message ng mga ito.

Grabe, ang kakapal ng S.A.U. dito sa Binangonan, Rizal. Di namin alam kung saan kami magbababa at magsasakay ng pasahero. Ang yayabang pa, kala mo kung sino. Eh wala namang alam sa rules ng traffic at wala ring seminar. Daig pa ang mga pulis kung umasta sa kalye. Sir Johnny, pakisilip naman po ninyo ang pahirap sa aming mga magta-tricycle.

Thanks po.

TONGPATS NGA  BA SI TSERMAN?

Isang tawag mula sa isang concerned citizen sa  Brgy. 157 Zone 14, Tondo, Manila ang natanggap natin.

Inirereklamo niya ang pagkiling ng bagong barangay kapitan na si Ading Adriano sa isang bookies ng karera sa kanilang barangay na minamantine ng isang alyas Teddy ng Brgy. 157.

Panay raw kasi ang pagbabawal ni Adriano sa mga constituent nito sa mga nagtatapon ng basura, nakahubad, nag-iinuman sa kalye pero yung  lantarang bookies ng karera ni Teddy ay hindi niya binabawalan.

Mukhang may tinitingnan sa tinititigan si tserman. Baka naman “tongpats” si tserman kaya siya  nagbubulag-bulagan.

Anomang reklamo o puna, itext lamang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply