Tabuena rumatsada sa Asian Q-School

LUMAKAS na naman ang tsansa ni Miguel Tabuena nang umiskor na maalab na seven-under-par 65 sa third round ng Asian Tour Qualifying School Final Stage sa Springfield Royal Country Club sa Hua Hin, Thailand.

Kaya naman, mataas ang morale niya ngayon at pag-asang makaukit ng regular card at makabuntot si leader Lucas Lee ng Brazil.

Si Tabuena, na kasama si pro Rick Gibson ng Canada bilang caddie, ay nakagawa ng eagle na sapat na sa six birdies laban sa isang bogey.

Mula sa last place, lumundag siya sa 31st taglay ang 211 total sa event.

Sa nasabing laro ay Top 40 finishers ang mapipili para makalahok naman sa Asian Tour’s upcoming season.

“I wanted to see how I fared against the other players and see how I can improve my game. I just need to keep doing what I have been doing. It would be great if I could shoot another seven-under tomorrow,” pahayag ni Tabuena. Gilbert Perez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply