Talent ni K Brosas mas napansin kaysa sa talent ni Pokwang

SIKSIKAN ang Araneta Coliseum noong latest birthday concert ng Megastar na si Sharon Cuneta noong Martes. Very lucky ang kanyang concert date kasi ito ay natapat sa Jan. 11, 2011 o “1.11.11” at masasabi namang ito na ang pinakabonggang birthday concert niya so far kung saan dinagsa siya ng mga taong nagmamahal talaga sa kanya sa showbiz.

Unang salvo ang paglabas nina Fanny Serrano, Direk Manny Castaneda, ang PBB loveteam na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco at ang comedian na si Pooh na ginaya pa si Manny Pacquiao to the delight of the audience!

Next na lumabas ng stage ang mga singers na sina Nina, Gloc-9, Yeng Constantino at Jovit Baldovino na inawit ang mga unang naging hit songs ni Sharon tulad ng “High School” at “Kahapon Lamang”. Bumilib na naman kami sa ganda ng boses ni Jovit at pwede siyang maglabas ng album na puro version niya ng Sharon songs (suggestion lang namin).

Pagkatapos nito ay nagpalabas ng collage of music video ng mga lumang MTV’s na ginawa ni Mega noon but this time ang pumapel na “Sharon” ay ang mga komedyanteng sina John Lapus, Joy Viado, Empoy, Cacai, Bekemon at iba pa. Tawanan ang lahat sa Araneta pati na rin mismo si Mega na nasa harapan kasama sina Sen. Kiko Pangilinan at Mommy Elaine Cuneta.

Nagsilbing “hosts” ng show sina K Brosas, Erik Santos at Zanjo Marudo. Panay ang okray ni K kay Zanjo na lumabas din ang pagkakwela at gumaganti sa mga banat sa kanya nito. Nagmukha tuloy out of place si Erik dahil hindi siya makahabol sa kakenkoyan ng dalawa.

Bilib kami kay K dahil sa galing niyang magpatawa ng audience lalo na “in between production numbers” kung kailangan nilang “mag-stretch” at aliwin ang audience habang naghahanda pa ‘yung susunod na magpe-perform on stage. May mga nagsasabing mas magaling pa siya kay Pokwang! Dapat lang na bigyan siya ng bagong show ng ABS-CBN pagkatapos ng “Win Na Win”. Huwag nilang hahayaan na masulot si K ng TV5!

Lumabas si Ai-Ai delas Alas sa kanyang sariling dance number at pagkatapos ay sinamahan na siya ni Sharon sa stage. At this point ay binanggit ni Mega ang pangalan ni Aga Muhlach at nagpaumahin siya sa nangyari noong nakaraang concert ni Ai last November na ginanap sa Araneta rin. “I love you Aga!”sambit pa ni Sharon. Pero ang Ai-Ai nagbiro pa na pwede na raw okrayin si Aga dahil lumipat na ito ng ibang istasyon (TV5) na ikinatawa ng audience.

Nagpamalas naman ng galing sa sayaw at acrobatics si KC Concepcion sa isang production number with Sam Milby kung saan pareho silang lumilipad sa ere. Later in the show ay lumabas ulit si KC kasama na si Papa Piolo Pascual sa isang song number with loveteams Toni Gonzaga and Sam Milby plus Jericho Rosales at Karylle. Sa totoo lang, super sweet sina KC at Piolo sa isa’t isa proving the rumors na sila na nga ngayon!

Namangha naman ang lahat ng nakipagbiritan na si Mega kasama si Lani Misalucha sa ilang classic Sharon songs tulad ng “Bituing Walang Ningning”. Nakipag-jamming rin ng rock and roll songs si Mega kina Billy Crawford at RJ. Panalo rin ang kuwelang production number nina Pilita Corrales, Randy Santiago at Mitch Valdez kung saan pinaghalo nila ang old Tagalog songs sa mga latest songs nina Lady Gaga at iba pa.

Winner din ang song number ni Mega with Jed Madela, Richard Poon at ang lead singer ng South Border. Well applauded din ang production number ni Mega kasama ang Pop Princess na si Sarah Geronimo na tinatawag niyang “anak” at handang ipagtanggol kahit kanino. Lumabas din si Cesar Montano at hinarahan si Mega sa kanyang walang kamatayang “In My Life”.

Bumati naman ang mga old friends at dating kasamahan sa pelikula ni Shawie na sina Roderick Paulate, Bayani Agbayani at QC Mayor Herbert Bautista.

Nag-comment pa si Sharon na nagawa niyang pagsamahin sa kanyang birthday concert ang mga Kapamilya, Kapuso at Kapatid stars! Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply