Talunang kandidato pero astig sa partido

IPINAGDIWANG kamakailan ng Liberal Party ang ika-65 na anibersaryo nito na kung saan ay hinirang na chairman ng partido si Pang. Noynoy Aquino at  nahalal naman si Mar Roxas bilang LP president. Pero bakit ganun ang LP?  Kung sino pa ‘yung talunang kasapi ng partido, siya pang ginawang presidente. Ganung ang karaniwang nahahalal na mga opisyal ng isang partido pulitikal ay yung mga kapartido nilang nanalo sa mataas na puwesto sa elesksyon bilang mga lider nila.

Isa kasi itong aspeto ng pagpapamalas ng kanilang kapangyarihan at repleksyon ng popular na mandato na ibinigay sa kanila ng  mamamayan.  Ang nakapagtataka ay kung bakit hindi si House Speaker Sonny Belmonte ang inihalal na pangulo ng kasapian ng LP kasabay sa pagluklok kay PNoy bilang chairman.

Kaiba talaga itong LP, para itong partidong nasa laylayan ng kapangyarihan. Nakagugulat na ang isang talunan gaya ni Roxas ay nahalal na LP president para pamunuan niya ang mga kapartido nito  na nakaupo sa ibat-ibang puwesto sa gobyerno. Dapat sana ay nagparaya si Roxas kay Belmonte at di dapat na ibinoto ng mga kapartido ang una para pamahalaan ang mga gawain ng LP at ng administrasyon ni PNoy.

Sa kaso ng paghirang sa bagong Comelec chairman ay kailangan pang aprubahan ni Roxas ang nais ni PNoy rito. Sa kaso ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, bakit kailangan pang busisiin ni Roxas ang personal na gusto ng Pangulo bago nito pormal na italaga bilang Comelec chairman si Brillantes?

Nakapapangamba kasi na pinanghihimasukan ni Roxas ang personal choice ni PNoy. Tuloy binugbog ng batikos ng  mga kritiko at katunggali sa pulitika si PNoy habang ang “troubleshooter” ay naghahanda na para sa sarili sa 2013  elections at 2016 presidential elections.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply