Task Force Lozano spokesman, sinibak

Sinibak na ang tagapagsalita ng binuong task force na nag-iimbestiga sa kaso ng pagpatay sa mga car dealer na sina Emerson Lozano, Venson Evangelista at Ernani Sencil.

Ayon kay Special Investigation Task Group Head Chief Superintendent Benito Estipona, tinanggal na bilang spokesperson ng grupo si Senior Superintendent Romano Cardiño dahil sa mga maling pahayag nito na lumabas sa ilang pahayagan kaugnay sa pagpatay kay Evangelista.

Sinabi ni Estipona na walang katotohanan ang sinabi ni Cardiño na pinatay umano si Evangelista dahil ito ang nagtimbre sa pulisya para salakayin ang umano’y hideout ng sinasabing lider ng carnapping syndicate na si Raymond Dominguez.

Binigyang-diin ni Estipona na kahit kailan ay hindi nila isinama sa mga anggulong kanilang tinitingnan na si Evangelista ay asset ng PNP. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply