TATAK PARAÑAQUE, GAWANG P’QUE

ANG Parañaque City ay isa sa lungsod na bumubuo sa Metro Manila, itinatag noong 1527 at unang nakilala sa tawag na Palanyag, na ang ibig sabihin ay “aking mahal.”

Ayon sa kasaysayan, tinawag na Paranaque ang lugar mula sa isang kastila na nakasakay sa isang kalesa at nais nang bumaba na ang sinasabi ay “para na aqui, para na aqui” na ang ibig sabihin ay “bababa na ako dyan”.  Hanggang sa paulit-ulit na itong binibigkas ng mga tao at tinawag na Paranaque.

Pangunahing ikinabubuhay ng mga tao dito noon ay paggawa ng asin, pangingisda, pagtatanim ng palay, paggawa ng sapatos, tsinelas at paglalala.

Pebrero 15, 2008, kinilala bilang ika 11 lungsod sa Metro Manila ang Parañaque City ni dating Pangulong Fidel V. Ramos kasabay ng pagdiriwang  ng ika 426 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.

Ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay isa sa pangunahing lugar na matatagpuan sa Paranaque City (at bahagi din ng Pasay City); Casino Filipino, Dampa na dinarayo ng mga mahiligin sa seafoods at iba pang tanyag na puntahan dito
Nahahahti sa dalawang distrito ang lungsod, District 1 na binubuo ng 8 barangay;  Baclaran, Don Galo, La Huerta, San Dionisio, San Isidro, Sto. Nino, Tambo, Vitalez; District 2;  BF Homes, Don Bosco, Marcelo Green, Merville, Moonwalk, San Antonio, San Martin de Porres at Sun Valley.

Livelihood

Ipinagmamalaki  ng Paranaque ang makulay at matandang tradisyon na ipinagdiriwang pa rin ng lungsod ngayon na minana  pa sa panahon ng mga Kastila at  nagsisilbing inspirasyon ng Paranaquenos.

Mula sa mayamang kulturang ito, pinakilos ni Paranaque City Mayor Florencio M. Bernabe Jr, ang Paranaque Livelihood Resource Management Office (PLRMO) upang  manatiling sariwa ang tradisyon sa pamamagitan ng isang programang pangkabuhayan (livelihood).

Ayon kay Dorris Marquez, PLRMO Officer-in-charge,  sinimulan ni dating Paranaque Mayor Wilfredo Ferrer ang  pangkabuhayan sa lungsod sa pamamgitan ng paggawa ng ‘angels’. Nag-concentrate naman aniya si dating Mayor Joey Marquez sa paggawa ng mga manika.

“Now, Mayor Bernabe wanted to concentrate on traditional dolls depicting the historical events in Paranaque,” ani Bb. Marquez.

Dinibelop ng PLRMO ang naturang mga manika para isulong at mapanatili ang mayamang kultura at tradisyon ng lungsod bilang pamana ng lahi.

Layunin din nito na mabigyan ng mga oportunidad ng pangkabuhayan ang mga residente dito at maiangat ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagsisimula ng isang maliit na negosyo.

Ang PLRMO ay kinikilala o accredited ng TESDA.   Kaya lahat ng nagtatapos sa training dito ay hindi na kailangan pang magtungo ng TESDA Office para sa kanilang certificates.

Moro-moro at komedya
Taunang pista na ipinagdiriwang ng Barangay San Dionisio ang pagsasadula ng buhay-alitan  noong unang panahon sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim.  Ginagampanan ito ng hari, reyna, prinsesa, prinsipe bilang pangunahing karakter.
Pinanabikan ang makukulay at magarbong kasuotan ng mga pangunahing bida sa dula bukod pa sa hindi matatawarang kuwento ng pananampalataya at pag-iibigang magkakapatid.

Sunduan
Kilala ang Barangay La Huerta sa pagdiriwang ng pistang ito.  Pista ng pagpupugay sa patron saint sa pamamagitan ng isang parada na nilalahukan ng mga kabataang babae at lalaki na nakasuot ng baro’t saya at barong tagalaog.

Ang sunduan ay literal na salitang ginamit sa lumang tradisyon, sinusundo ng banda ang magagandang dilag at konsorte nito sa kani-kanilang bahay at ipinaparada sa buong barangay hanggang sa makarating sa bakuran ng simbahan.  May dalang magarbong parasol (tila payong) ang binata para proteksiyunan ang dalaga sa init ng araw habang nagpaparada.

Sayaw ng pagbati

Ito’y isang relihiyong tradisyon na ginugunita tuwing Mahal na Araw. Pinipili ang kabataang babae sa edad mula 7-10 para magsagawa ng katutubong sayaw na mula sa panahon ng Kastila.  Ang himig ng sayaw ay saliw sa masayang selebrasyon ng muling pagkabuhay ni Cristo sa tuwing Linggo ng Pagkabuhay.  Para salubungin ang pagkabuhay ni Cristo, dala ng mga batang mananayaw ang eleganteng ‘flaglets’ na ginamit sa kanilang pagsasayaw.

Bb. Paranaque
Ang kababaihang Paranaquenos ay lumalarawan sa modernong Pilipina na tunay na hindi matatawan ang ganda  sa puso ng bawat isa.  Isinagawa noong 2006 ang pinakahuling beauty pageant na kinatampukan ng  magagandang binibini ng Paranaque.

Mga hakbang sa pagbuo ng traditional dolls:
1.    Molding and casting.  Sa mga kamay ni  Noel Yuson, 41, moder, unang hinuhulma ang manika sa pamamagitan ng ‘resin’.  Aniya, nakapaghuhulma siya ng 20 manika sa isang araw at ipinapasa sa mga susunod na departamento hanggang sa mabuo.
2.    Cleaning/Sanding. Dito nililinis at kinikinis ang manika at ibinabalik sa molding section para butasan ang ulo gamit ang isang machine para pagkabitan ng buhok.
3.    Hairstyle section.  Dito mano-mano na inaayos ang style ng buhok ng manika  gamit ang pagkamalikhain.  Recycled at totoong buhok ang ginagamit mula sa mga parlors.  Nakatutulong pa sa recycling ng mga basura.
4.    Body painting.  Dito pinipinturahan ang buong katawan at binibigyang detalye ang mukha.
5.    Dress up finishing.  Dito na binibihisan ng damit ang manika.  Ang mga nagsasanay sa pananahi naman ang siyang gumagawa ng mga damit ng manika.  “Medyo mahirap gawin ang mga damit dahil maliliit,” ani Marquez.

“Product developer lang kami.  Hindi kami nagbebenta.  We’re willing to train and teach more,” ani Marquez.  Aniya, medyo may kamahalan ang raw materials na ginagamit dito.
Sinabi pa ng PLMRO OIC, bilang promotions ng produkto, nagdadala si Mayor Bernabe ng ilang samples ng traditional dolls sa tuwing bibisita sa ibang bansa bilang ‘token’ sa kaiyang mga kaibigan doon.  “To promote our tourism, traditions and culture.”

Iba pang livehood programs:
Hindi lamang doll making ang programang pangkabuhayan ni Mayor Bernabe na matatagpuan sa gusali ng Simplicio Cruz Compound, San Isidro, paranaque City.
Kamakailan ay nagtapos ang mahigit sa 1,000 trainees mula garment sewing/dressmaking, reflexiology, electricians, hotel and restaurants managers.
Nilinaw ni Marquez na 90 porsiyento sa trainees ng PLMRO ay lihitimong residente ng Paranaque.
Si Gng. Veneranda Cornelio, 61, ay isa sa matagumpay na nagtapos ng dressmaking course sa kabila ng kaniyang edad.
“Wala na akong balak mag-abroad pa.  nag-enroll ako dito para mag-grow pa.  Bukod sa nalilibang ako, natututo pa ako.  Kahit man lang pansarili kong damit ako na ang magtatahi,” ani Cornelio.

“Pilay lang ako, pero buo pa ako”—Alvin
Si Alvin Almirante, 33, halos dalawang taon nang naglilingkod sa PLRMO doll making sa cleaning and sanding section.  May asawa, 2 anak at binubuhay ang pamilya mula sa kaniyang kita sa paggawa ng mga manika.
May kapansanan si Alvin subali’t hindi ito naging handlang para buhayin ang pamilya.  “Kahit papaano naman po pinagkakasiya naming mag-asawa ang kinikita ko.  Plain housewife siya.”
Si Alvin ay pumapasok araw-araw sa trabaho sa pamamagitan ng kaniyang skate board.

Galing Pook Award
Iginawad sa Paranaque City ang Galing Pook Award noong 2009 dahil sa pagiging “Friendly Republic Reproductive Health Services.” Linda Bohol /Photos by Rudy Rabulan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply