Tax deadline sa Maynila walang extension

HINDI na palalawigin ang panahon ng pagbabayad ng buwis sa Maynila matapos ang deadline nito, ayon sa lokal na pamahalaan ng lungsod.

Ayon kay city administrator Jesus Mari Marzan, inianunsiyo na ni Manila Mayor Alfredo Lim na hindi na magbibigay pa ng ekstensyon sa deadline, na itinakda sa darating na Enero 20.

Sinabi rin ni Marzan, inatasan pa ng alkalde si city treasurer Vicky Valientes na mahigpit na ipatupad ang “no-extension policy” sa lungsod dahil naianunsiyo naman ang deadline nang maayos.

Binigyan naman ng alkalde ng 10-porsiyentong discount ang mga taxpayer  ng Maynila na maagang magbayad ng buwis.

Inatasan din ni Lim si Valientes  na i-accommodate ang mga business at real property owner at buksan kahit sa weekend mula ika-9 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon, ang kanilang taxpayer center.

Nabatid na ang itinakdang deadline sa pagbabayad ng business taxes, business permits at iba pang regulatory fees para sa taong ito ay sa Enero 20.

Inaasahan namang aabot sa 20 porsiyento ang diskwento na ipagkakaloob ng lokal na pamahalaan sa mga real property taxpayers na magbibigay ng full payment bago mag-Enero 31, 2011.

Ipinaalala din ni Valientes na kung ayaw umanong magbayad ng penalty ang may-ari o administrator ng real properties, dapat umanong mabayaran ito bago o mismo sa Marso 31, 2011 para sa first quarter ng taon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply