Tax evasion case against Goma, resolbahin agad

Inatasan ni Justice Secretary Leila de Lima ang mga piskal ng Department of Justice (DOJ) na bilisan ang pagresolba sa tax evasion complaints laban sa aktor na si Richard Gomez at 11 na mayroon ding tax complaints mula sa taong  2005-2006.

Iginit ng Kalihim na ang mga prosecutors na may hawak ng nasabing kaso ay kailangan maresolba ngayong katapusan ng Enero 2011 upang madetermina kung mayroong sapat na basehan para masampahan sila ng kaso sa korte o maibasura ito.

Nagbabala naman si de Lima na kapag nabigong sumunod ang mga prosecutors sa kanyang direktiba ay maaring parusahan ang mga ito sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng kanilang allowances at iba pang benepisyo habang patuloy pa rin nitong pag iisipan ang iba pang kaparusahan uapng masiguro na susunod ang mga ito sa kanyang kautusan.

Paliwanag nito, ang kaso umano ni Gomez ay nakabinbin pa simula noong 2005 dahil sa kabiguan nitong makapaghain ng income tax para sa taxable years na 200-2003 na isang malinaw na paglabag sa Section 255 ng National Internal Revenue Code.

Bukod sa kaso ni Gomez, pinamamadali din ng Kalihim ang pagresolba sa reklamo laban kay Eduardo Gutierrez, PT&T; Myra Santos Brodette, Mitsuko Philippines Corporation, One World Industries, Sun Motors at iba pa. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply