Tax evasion laban kay Garcia maaari pang iapela — DoJ

Maari pang iapela ni dating Major General Carlos Garcia ang resolusyon ng Department of Justice (DOJ) na iakyat sa korte ang reklamong tax evasion laban sa kanya at sa kanyang asawang si Clarita.

Ayon mismo kay Justice Secretary Leila de Lima, sa ilalim ng batas ay maari pang maghain ang kampo ng mga Garcia ng Motion for Reconsideration para hilinging baligtarin ang resolusyon ni Senior Deputy State Prosecutor Miguel Gudio Jr nuong ika-23 ng Disyembre ng taong 2010.

Sa nasabing review resolution, inaprubahan ni Gudio ang reklamong inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa mag-asawang Garcia dahil sa hindi pagdedeklara ng tamang halaga ng kanilang kinita para sa taong 2002 at 2003.

Pero kung mabibigo umano ang mga Garcia na maghain ng MR sa loob ng kaukulang panahon, maari nang isampa nang tuluyan sa korte ang kasong tax evasion laban sa mag-asawa.

Una ng sinabi ng DOJ na sapat na napatunayan ng BIR na nagsagawa ng fraud at tax evasion ang mag-asawang Garcia dahil sa hindi nila tamang pagdedeklara ng kinita na P12.25 million para sa taong 2002 at P14.109 million para naman sa taong 2003. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply