TCFP—UST Project 400/400

“EYES are the windows of our soul.”  Kaya napakahalaga ng mata  bilang bahagi ng ating katawan.  Kung wala nito, hindi natin masisilayan kung gaano kaganda ang mundo.  Hindi kumpleto ang ‘five basic senses’ kung kulang tayo sa paningin.

Napaluha sa tuwa at labis na pasasalamat si Pablito Ferrer, 63, ng Sta. Ana, Manila matapos ang halos 10 minutong operasyon ng kaniyang mata dahil sa katarata.  Naging malabo ang kaniyang paningin nitong 2010 dahilan para hindi na siya makapagkumpuni ng mga sirang kagamitin na siyang pangunahing ikinabubuhay para sa pamilya.

Isa lamang si Mang Pablito sa 400 cataract patients na masuwerteng benipisaryo ng ika-139 ‘eye medical mission ng Tzu Chi Foundation Philippines (TCFP).

Kasabay ng paggunita sa ika-400 anibersaryo (Quadricentennial) ng University of Sto. Tomas sa pakikipagtulungan ng TCFP, inilunsad ang PROJECT 400/400. Ito ang libreng operasyon sa 400 mahihirap na indibiduwal mula sa ibat-ibang panig ng Maynila at malalapit na lalawigan na may katarata.  Ito’y isang uri ng sakit sa mata na posibleng matuloy sa pagkabulag kung tuluyang mapababayaan.

Ayon kay Dr. Antonio Say, Chairman, Department of Ophthalmology at overall coordinator, Tzu Chi International Medical Association (TIMA) Philippine chapter, nasa 110 pasyente ang paunang sumailalim sa naturang proyekto at tatapusin ang 290 iba pa sa Pebrero 28, 2011.

Pinamunuan ni Dr. Graciela Gonzaga, Dean, UST Faculty of Medicine & Surgery ang proyekto at mahigit sa 20 UST Alumni Ophthalmology & Anesthesiology Consultants ang nag-alok ng libreng serbisyo para sa kawanggawa.

Ang mga pasyente ay inirekomenda ng Simbahayan 400, Parish Churches at City of Manila Health Unit.  Ang Simbahayan 400 ay ‘centrepiece project’ na itinatag ni  Rev. Fr. Rolando de la Rosa para sa UST Quadricentennial Anniversary.

Tiniyak naman ni Mr. Alfredo Li, Chief Executive Officer, TCFP na dekalidad ang serbisyong naihandog sa mga pasyente nito na isinagawa ng mga espesyalista sa mata mula sa mga prestihiyosong hospital.

Hindi matatawaran naman ang ‘world-class eye operating room facilities’ ng foundation sa  Bacood, Sta. Mesa, Manila.  “He added that such humanitarian gesture would greatly ease the financial burden of the poor as the cost of a quality cataract surgery is around P40,000 per eye.”

Sinabi pa nito na maituturing na mahalaga sa kasaysayan ang pagsasanib ng UST at TCFP sa pagkakawanggawa bagama’t magkaiba ang kanilang relihiyon.  Patunay lamang na ang pagtulong sa kapwa ay mahalaga anumang grupo ang kinabibilangan.

Bilang pasasalamat ni Mang Pablo sa kaniyang bagong paningin, nangako siya na magiging isang boluntaryo sa foundation para makatulong din sa mga nangangailangan.

‘Vitamin A doesn’t work for smokers’—Dr. Atienza

Cataract ang pinakakaraniwang sanhi ng pagkabulag sa Pilipinas maging sa ibang bansa.  Ayon kay Dr. Nicasio Atienza, Jr., Tzu Chi Foundation Philippines volunteer mula 1999 at head ng Eye center Unit, Cardinal Santos Hospital, na 3 porsiyento sa kabuuang  populasyon ng Pilipinas ay may katarata. “So if u hev a population of 90-million, 2.7 percent ang  may cataract.”

Anu-ano ang mga sakit sa mata o sanhi ng pagkabulag?  “Maraming sakit sa mata pero yung mas madaling malutas o may gratifying result pagna-narepair agad is cataract.  Sore eyes, conjunctivitis are regular eye diseases…mostly non-sight threatening naman…antibiotic lang.

Ang glucoma, sakit ng ugat.  Namamatay ang ugat.  “Now ang risk factor dun ay yung mataas ang eye pressure.  Ang incidence ng glaucoma naman is 1 hanggang-2 porsiyento ng  general  population.  Pero marami pa rin yun.,” ani Dr. Atienza.

Ang glaucoma aniya base sa ‘old definition’ ay ang pagkakaroon ng mataas na  pressure ng mata, naiipit yung ugat.  “Ngayon nakita nila na yung mataas na pressure na yun ay risk factor na lang. Ngayon sakit talaga ito mismo ng optic nerve…it’s a neuropathy…na namamtay yung nerve dahan-dahan.”

Ang age related mascular degeneration, ito aniya ang pagkakaroon ng problema sa pinakagitna ng mata.  “Habang tumatanda tayo…dati pinaka-common yun sa mga puti at western countries dahil sa diet nila …diet has something to do with that…saka yung high blood…risk factor din yun”.  “It causes central blindness…yung gitna ng mata mo nabubulag…may dumudugo minsan…pero pag nangayri na yun na tumama…inreversible na rin yun…mahirap na yun kasi hindi na yun nagagamot ….there are cases na may internal bleeding,” paliwanag pa ni Dr. Atienza.

Isa sa eye diseases na may komplikasyon sa diabetes ay sa  loob ng mata. “Medyo epidemic lang ngayon…15% ng general population ay diabetic.  Ang diabetes hindi lang naman sa kidney ang problema pati sa mata rin….usually pag nagkakaproblema sa diabetes mostly  10-15 years diabetiec na sila…may problema sila sa mata.”

Tips sa pag-aalaga sa mga mata:

Ipinapayo ni Dr. Atienza ang ‘early detection’.  Magkaroon ng taunang ‘complete check-up’.    “Hindi lang yung pababasahin ka…dapat sisilipin ng doktor yung loob ng mata ,ugat at may ipapaptak na gamot para kunan ng pressure…may ipapatak din na gamot para palakihin ang pupil ng mata at  masilip yung loob…ganun talaga dapat na ang eye check-up.  It take 30-45 minutes to cover everything.  Yung ibang check up silip lang in 10 minutes.  Very incomplete.  It will not give
you  much information.”

Ang nakatatakot aniya ay yung hindi mo nakikita.  “Iba yung nakikita mong cause at yung  hindi mo nakikita sa loob…so mostly naman ng nakabubulag nasa loob at hindi sa labas…ganun ako mag-eksamen…kumpleto. Mas praning ako kung di ko nakikita yung loob…sisilipin ko lahat.  Huwag mag-self medicate o gumamot ng sarili inyo.

Kumain ng mga pagkaing sagana sa Vitamin A.  Pero ayon pa kay Atienza, may limitasyon ang paggamit ng mga bitamina.  “May certain ages na ang vitamins ay nakatutulong naman.  Kung nasa edad ka sa pagitan ng 60 hanggang 80,  vitamins actually don’t works…nilalabas mo lang…If  you are 60 years old below and 18 years old above or below,  lumalaki ka pa.  You  need it for body building.  Pag  60 ka na,  hindi na masyadong nag-aabsorb ang katawan mo ng vitamins…so kailangan na ng supplements.”

Nilinaw din ng eye specialist ang Optein na umano’y nakagagaling sa sakit sa mata.  “Ang sunasabi lang sa Optein supplement lang siya.

Ang problema lang sa Optien is the dose na required for you to get the daily required dose of gluten, you have to take 6 tablets of it. Mahal pa ito. ”

“Pero yung ibang formulations  na inilabas ng companies na FDA (Food and Drug  Administration) approved,  you need to take1 or 2 tablets a day.  There are certain guidelines for the vitamins sa mata.

Sinusunod natin yung stage related sa eye diseases study na nagsasabi na  vitamins can help.  If you had been diagnosed as Age related mascular degeneration , that’s the time na bibigyan kita ng vitamins, if you don’t, then vitamins won’t actually help.”

Tinukoy pa ng eye sspecialist na na ang pagbibigay ng vitamins ay hindi makagagamot sa sakit sa mata subali’t makokontrol nito ang agarang pagkabulag.  “Kung halimbawa ang rate of progression ng age related mascular degeneration is about 85-90 percent…if you take the vitamins, you slow down the progression by about 70-75%…yun na yung natutulong nya.”

“Yung lutein na sinasabi nila, wala pa talagang malaking clinical trials that actually proves  lutein can help.  So mayrong ginagawa ngyon yung phase 2 ng clinical study na baka lumabas na sa 2012  yung result at baka dun na lumabas yung role ng lutein sa mata.”

May mga gulay at prutas na mayamn sa Vitamin A at C  na nakatutulong sa mata.  “If you u take this, you  must take a little bit more.  Kasi isang prutas, konti lang ang laman.  Yung 1 capsule nga lang ng lutein, you  have  to take about a thousand nuts para makuha yung equivalent.”

“Smokers should not take Vitamin A”

Nagbabala pa si Dr. Atienza laban sa smokers o naninigarilyo.  Iginiit nito na hindi dapat na gumamit ng Vitamin A dahil may masamang dulot ito sa katawan.

“Ang isa pang precautions pala for smokers…they should not take vitamin A.  May positive correlations ang smoking Vitamin A and lung cancer.”

“If  you are smokers, don’t take vitamin A at least 5 years.  Yung Vitamin A ay nakaka-force  ng mutation cells kaya nagkaka-lung cancer.

Proven yun noong 80’s and 90’ studies.  Dun nga sinabi na baka makatulong ang lutein sa smokers…pero naghihintay pa kami sa result talaga.”

Aniya, chain smokers ka man o occasional  smokers, walang pagkakaiba ang epektong dulot ng Vitamin A sa naninigarilyo.  “It does not matter even for the passive smokers.  Yung 2 kong tita na passive smokers, yung mga asawa nila ang smokers at hindi nakaligtas sa lung cancer.”

“Ang Vitamin  C, okey lang sumobra o ‘in excess’  sa daily requirement mo.   Dahil usually iniiihi mo lang yan eh.”  Yung Vitamin E and D, take it in moderation.  Kung may problema ka sa liver medyo mag-iingat ka rin…kasi namemetabolize sila sa liver…may toxic effect yan pag masyadong mataas ang dose.  May toxicity lahat ng Vitamin  A, D and E pag masayadong  mataas ang dose.”

Sa huli, ipinapayo pa ni Dr. Atienza na gumamit ng eye lubricant kung nanuyo ang mga mata dahil sa labis na pagkalantad sa araw o sa computer lalo na sa mga bata.  “I  would suggest any eye lubricant, huwag lang Eye Mo o  Visin.  Patakan ang mata tuwing ika-4 hanggang 6
na oras.”

Pero kung namumula aniya ang mga mata, kumunsulta agad sa espesyalista at huwag basta gagamit ng anumang gamot sa mata.  “Ibang usapan na kasi kung namumula ang mata,” pagtatapos pa ni Dr. Atienza.  Teksto at larawan ni Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply