Teen-ager patay sa holdaper

PATAY ang isang 15-anyos na  high school student   nang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng isnag holdaper matapos itong pumalag ng kunin sa kanya ang kanyang cellphone, umaga ng Miyerkules sa Quiapo Manila.

Nakilala ang biktima na si Alex Lomuntad, ng 19-G G.T.Alonzo St.,Magsaysay Village,Tondo Manila at estudyante sa University of the East (UE).

Inilarawan naman ang suspek na may taas na 5’3 hanggang 5’4, nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt, short pants, nakasandals at armado ng patalim.

Sa report ni PO3 Giovanni Valera ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 6:00 ng umaga nang naganap ang insidente sa harapan ng Jolibee sa C. M. Recto Ave., Quiapo, Manila.

Ayon kay Hernani Policarpio, isang guwardiya, nakita niyang naglalakad ang biktima subalit pagsapit nito sa harapan ng Jolibee ay nilapitan ito  ng suspek at agad na naglabas ng patalim saka hinoldap.

Sa hailp umano na ibigay na lamang ng biktima ang kanyang cellphone sa suspek, pumalag pa ito dahilan upang puwersahang kunin ng huli ang nokia 5100 ng una.

Nang hindi pa nakuntento ay sinaksak pa ng suspek ang biktima at tinamaan ang kanyang bituka.

Bagama’t may tama na ang biktima ay nagawa pa nitong tumakbo subalit bumagsak na lamang ito sa center island.

Nabatid na papasok pa lamang ang biktima sa UE nang maganap ang insidente.

Agad namang ipinag-utos ni  Insp. Armand Macaraeg, Hepe ng MPD-homicide section, ang follow up operations para sa mabilis na  pagkakaaresto sa suspek. Jocelyn Tabangcura- Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply