Teller ng pawnshop, pinagsasaksak ng holdaper

KRITIKAL ang isang pawnshop teller makaraang tadtarin ng saksak  ng isang holdaper na nagpanggap na bagong gwardiya sa loob ng kanilang puwesto  sa Manapat st., Brgy. Tañong,  Malabon  City, Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktima  na ginagamot sa MCU hospital dahil sa tinamong mga saksak sa katawan  na si Jerame Yangcio, 25, teller ng Luilluier pawnshop, at residente ng 42, Binangonan st., Maypajo, Caloocan City.

Pinaghahanap na ng awtoridad ang tatlong hindi nakilalang salarin na mabilis na tumakas  matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon, alas 7:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng M. Lhuillier pawnshop sa Manapat st., Tañong Malabon.

Nabatid na maagang pumasok ang biktma at habang binubuksan ang pintuan ay lumapit sa kanya ang suspek  na nakasuot ng uniporme saka nagsabing siya ang bagong gwardya kapalit ng dati nilang security guard, kaya malaya itong nakapasok sa loob.

Nang inatasan ng suspek ang biktima na buksan ang security pin  ng vault kung saan  nakalagay ang mga mamahaling alahas ay pumalag ang teller kaya nagalit ang suspek

Dahil dito, naglabas ng patalim ang salarin saka sunod-sunod na inundayan ng saksak ang biktima.

Lumalabas na walang nakuhang alahas ang mga salarin nang mapindot ng biktima ang alarm, kaya agad nakapagresponde ang mga pulis. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply