TnT masesenglot sa SMB

SISIKAPIN ng San Miguel Beermen na mapapadapa nito ng maaga ang Talk ‘N Text sa kanilang paghaharap sa finals ng Philippine Basketball Association Philippine Cup.

Ito ay matapos gibain ng SMB ang sister team na Barangay Ginebra, 89-86, kaya naman inaabangan ang pagsagupa nito sa TNT.

Tinapos ng Beermen ang semifinals series sa six games, 4-2.

Si Arwind Santos ay nagdulot ng magandang performance sa grupo taglay ang 12 points sa fourth period, kabilang na rito ang dalawang krusyal na free throws at isang defensive rebound habang patapos ang oras.

Tiniyak naman ng SMB na seseryosohin nila ang TNT sa laban.

”Hindi kami dapat mag-relax against TNT. We have to be ready for the finals,” ayon kay Jay Washington na umani ng 15 rebounds at nakagawa ng 12 points. GP/RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply