Trahedya sa Riyadh; Pinoy baka nadamay

PINANGANGAMBAHANG may mga overseas Filipino workers na nadamay sa pagguho ng isang gusali sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon sa ulat, ilang Filipino ang nagtatrabaho sa loob ng construction site sa Princess Noura University sa nasabing siyudad.

Isang gusali sa unibersidad ang bumagsak kahapon at tinatayang 50 na manggagawa ang nadamay sa aksidente.

Ang proyekto ay malapit sa Exit 9 sa Riyadh.

“What worries us is that there are OFWs working on that project…. There are about 500 OFWs there,” ayon kay John Leonard Monterona, coordinator ng Migrante-Middle East.

Iniimbestigahan pa ng Migrante ang pangyayari.

“We are praying that there would be no OFW casualties, and if there are, we hope it is not fatal and there is no loss of life,” dagdag ni Monterona. Larawan galing sa Migrante

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply