Trahedya sa STAR at mga bagong hamon

TUMITINDIG ang ating balahibo habang iniuulat ang malagim na trahedya sa isang bahagi ng Southern Tagalog Arterial Road kahapon.

Nag-head on collision ang isang jeepney na puno ng pasahero at isang bus na puno rin ng pasahero.

Anim ang patay at tatlo ang kritikal ang kalagayan sa ospital. Isang bata ang napugutan.

Matagal, ilang oras ang lumipas bago nakuha ang anim na bangkay na tumilapon na lang sa kalsada at sa loob ng dyipni.

Mataimtim na panalangin po ang ating iniaalay para sa kanilang lahat. Ang mga opisyal ng gobyerno, aba, kumilos kayo at tulungan ninyo ang lahat ng  mga biktima.

oOo

Bagong Taon na ulit.

Tiyak namang may susulpot na mga bagong bagay at hamon sa dumating na bagong taon. Kung ano-ano ang mga yan ay darating pa lang.

Subalit pupuwedeng malaman ang marami sa mga ito dahil may kaugnayan sila sa nakaraang taon at mga taon pang nagdaan.

Kabilang sa mga hamon ang pagpapakulong sa lahat ng mga taong naging malas sa buhay ng milyon-milyong mamamayan.

Hanggang ngayon, nadidiskaril ang mga hakbang ng kasalukuyang pamahalaan para maituwid ang nakaraan sa pamamagitan ng pagpapakulong sa mga ito.

Yang mga gumawa ng pera na dahilan ng pagtataas ng toll, mahal na kuryente, mahal na langis at iba pa, mga Bro, ay dapat na pananagutin sa batas.

Pananagutin din yang mga walang ginawa kundi magnakaw sa kaban ng bayan.

Dapat isama na ring itapon sa kamotehan ang mga humahadlang sa mga kaso ng mga tiwali sa pamamagitan ng mga kasong impeachment at iba pang mga karampatang kaso.

Siguro, tingnan na rin ang katotohanang may mga dayuhang lumilikha ng mga balakid sa ating pag-unlad bilang bayan.

Yang pagkalubog natin sa utang, dayuhan at lokal, ay kinasasangkutan ng mga dayuhan at hindi lang basta gawa ng mga korap at mandarambong.

Aaah, ang Maguindanao Massacre…hanggang kailan matatapos ang mga pagdinig upang makamit na ng mga biktima at ng hindi kasali sa krimen ang katarungan?

Hindi mabilang sa daliri, mga Bro, ang magaganap sa Bagong Taon.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply