Transport group nagbanta ng malawakang kilos protesta

NAGBANTA ng malawakang protesta ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association (FEJODAP) dahil sa matagal diumanong pagkabinbin ng kanilang hinihinging dagdag-pasahe sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay FEJODAP president Zenaida Maranan, hirap na ang mga tsuper kung paano mapagkakasiya ang kinikita sa araw-araw na pakikipagromansa sa manibela.

Sinabi ni Maranan na kung magtatagal pa ang pagdinig sa hinihinging P1.00 na dagdag-pasahe, nararapat munang pagbigyan na ibalik ang P.50 na provisional fare increase.

Iginigiit ng transport group na hindi na sapat ang kasalukuyang minimum fare dahil patuloy ang pagtaas sa presyo ng gasolina at diesel.

Inamin naman ni LTFRB Chairman Nelson Laluces na malaki ang posibilidad na aprubahan nila ang petisyon para sa dagdag-pasahe ng iba’t ibang transport groups pero depende pa sa magiging deliberasyon kung magkano ang itataas.

Maglalabas umano sila ng desisyon ukol dito bago matapos ang buwan. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply