Transport groups nagsanib p’wersa para sa fare hike

NAGSANIB puwersa ang mga lider ng iba’t-ibang grupo ng transportasyon sa pagsusulong ng dagdag pasahe makaraan ang muling pagtataas ng produktong petrolyo sa bansa.

Unang nagpatupad ng P0.50 kada litrong dagdag sa presyo ng gasolina at P0.25 kada litro ng diesel at kerosene ang Pilipinas Shell na epektibo mula 12:01 ng Martes ng hatinggabi na kaagad sinundan ng Petron Corporation at

Chevron ng kahalintulad ding halaga na epektibo mula 6:01 ng umaga.

Sumunod din sa pagtataas ng halaga ng kanilang produkto ang Eastern Petroleum, Unioil, Total, Flying V at iba pang mga maliliit na kompanya sa kahalintulad ding halaga.

Ayon kay Mitch Cruz ng Pilipinas Shell, tumataas umano ang pangangailangan ng langis sa mga malalaki at malalamig na bansa kaya’t patuloy na sumisirit pataas ang halaga ng langis sa world market na nakakaapekto sa presyuhan sa lokal na merkado.

Bunsod nito, nagkakaisang isinulong ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association (FEJODAP), PASANG-MASDA at Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang probisyunal na pagpapatupad ng P8 na pasahe sa mga pampasaherong jeep para sa apat na kilomentrong biyahe. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply