Trike sumalpok sa kotse, 9 buwan sanggol patay

NAMATAY habang ginagamot ang siyam buwan na sanggol matapos mapuruhan sa pagsalpok ng sinasakyang tricycle sa isang Hyundai getz na kotse, habang sugatan ang 4-anyos na kapatid at ina nito sa Jose Abad Santos Avenue, Barangay Salawag, Dasmarinas City Cavite, iniulat Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Allister Bunyi,  habang sugatan ang ina at kapatid nito na sina Maricel Bunyi, 29 at Anne Venice Bunyi, 4, pawang ng Blk 9, Lot 39 Summer Hills Subd. Bgy. Molino, Bacoor cavite.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Ronelo Abas, may hawak ng kaso, alas 4:30 ng hapon nang maganap ang aksidente.

Sakay ang mag-iina sa isang tricycle (WU 6945) na minamaneho ni Joseph Morejon at binabagtas ang lugar nang salpukin sila ng Hyundai Getz  na minamaneho ni Sarah Jane Lyn Poot, 22.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng matitinding sugat ang mag-iina, habang namatay naman ang sanggol.

Kasong Reckless imprudence resulting in Homicide and double Physical injuries and damage to property ang isinampa sa nakakulong na driver. Gaynor Bonilla

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply