Trillanes, tumiklop sa hamon ni Reyes

MISTULANG tumiklop si Sen. Antonio Trillanes IV sa hamon ni dating Defense Secretary Angelo Reyes na pangalanan ang ‘powerful person’ na tinutukoy ng senador na nasa likod ng pangungurakot ni dating military comptroller at retired Maj. Gen. Carlos Garcia.

Sa pamamagitan ng abugado nitong si Rey Robles, sinabi nitong hindi muna papatulan ng senador ang  hamon ni Reyes hangga’t hindi pa gumugulong ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa plea bargain agreement na pinasok ng Ombudsman kay Garcia.

Aniya, mas makabubuting sa Senado na lamang magharap sina Trillanes at Reyes dahil kung siya nga ang tinutukoy ng senador ay magkakaroon ito ng pagkakataon na ‘ayusin’ ang bintang sa kanya.

Sa personal naman na pananaw ni Robles, mahirap talagang paniwalaan ang pahayag ni Reyes na wala itong kinalaman at nalalaman sa ginawang pangungurakot ni Garcia.

Ani Robles, nagsilbing chief of staff ng AFP si Reyes mula 2000 hanggang 2001 at Defense Secretary mula 2001 hanggang 2003 kung kaya mahirap paniwalaan na hindi niya alam ang ginagawang paghahakot ng P300 milyon ni Garcia mula sa pondo ng AFP.

Idinagdag pa nito na kung totoo mang hindi si Reyes ang powerful person sa likod ni Garcia, mas makabubuting sabihin na lang nito kung sino ang taong mas nakatataas sa kanya na may kinalaman sa kurakutang ito. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply