Truck owners umalma sa anti-overloading campaign, mga trak ibinalagbag sa DPWH

BINALAGBAG ng mga truck owner ang kanilang mga naglalakihang trak sa main gate ng Department of Public works and Highways (DPWH) bilang pagprotesta sa ipinatutupad na anti-overloading campaign.

Sa inisyal na report ng dzBB, sinakop ng mga naturang trak ang dalawang lane sa Bonifacio drive hanggang sa Delfan bridge kung saan naging maingay ang paligid bunsod ng mga bosina ng mga dambuhalang sasakyan at ng mga motorista.

Nakasulat sa harapan ng mga trak ang samahang  Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO) at ang pagdisgusto ng mga ito ng pagpapatupad ng anti-overloading campaign. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply