Tubig sa Angat dam tumaas bunsod ng pag-ulan

TUMAAS ang tubig sa Angar dam bunsod ng pag-ulan noong mga nakaraang araw.

Ayon kay Angat Dam Plant Manager Engr. Rodolfo German, halos kalahating metro ang nadagdag sa antas ng tubig sa dam na ngayon ay nasa 202. 79 metro pa lamang , malayo pa rin sa normal level na 210 metro kaya nakaamba pa rin ang pagkakaroon ng kakapusan ng tubig sa Metro Manila.

Ayon pa kay German, inaasahang sa Hulyo pa babalik sa normal ang antas ng tubig sa Angat Dam kung saan mararanasan ang pag-ulan sa bansa.

Nabatid pa kay German na kumpara noong nakaraang taon, mas matindi ang nararanasang pagkatuyo ng tubig sa Angat Dam ngayon kaya asahan na ang paghina ng suplay ng tubig dahil sa binawasan na nila ng seven cubic meters per second ang inilalabas na tubig mula sa 46 cubic meters per second dati.

Maging ang water supply sa mga irigasyon ay binawasan na rin upang hindi agad maubos ang tubig sa Angat Dam. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply