Tulak tiklo sa buy-bust

KULONG ang isang lalaki nang makumpiskahan ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si Benjie Balmores, 32, ng Masagana st., nasabing lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa ginagawang pagtutulak ng suspek na naging dahilan upang magsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis malapit sa bahay ng suspek alas-2:15 ng hapon, Sabado.

Nang iabot ng suspek ang isang sachet ng shabu sa pulis na umaktong buyer kapalit ng P500 ay agad na dinamba ang salarin at dinala sa presinto. Rene Manahan

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply