Tulong ng mamamayan mahalaga laban sa pambobomba

BUTO, laman, dugo, damit, sapatos at iba pa.

Ito ang nakita sa loob at labas ng bus na binomba kamakalawa, Suki, sa EDSA, Makati City.

Dalawa sa mga pasahero ang agad na namatay dahil nasapol sila ng sumabog na bomba sa ilalim ng kanilang upuan.

Yung tatlo ay namatay rin ilang oras makaraan ng pangyayari.

Hindi nakayamang maisalba ng mga doktor ang kanilang buhay sa kabila ng paggamit nila ng lahat ng kanilang nalalaman at kagamitan para magsalba ng buhay.

May ilan sa mga ito ang natagpuang sira na ang mga paa kaya kailangang pagpuputulin ang mga ito.

oOo

Tunay namang nakatatakot at napakasakit ang bombahan sa mga sasakyang pampasahero, lalo na ang mga panlupa.

Napakaraming paraan para masalisihan ng mga bombero ang mga awtoridad at maging ang mga mapagbantay na si Juan.

Hindi kasi katulad ng mga panlupang sasakyan ang mga panghimpapawid at pandagat na pupuwedeng kontrolin ang pagsasakay at pagbaba ng mga pasahero, kabilang na ang mga bombero.

Sa mga bus, dyipni, taksi, traysikel, tren at iba pa, sumasakay at bumababa ang mga pasahero kahit saan at kahit kailan.

Pumipik-ap din ang mga ito kahit saan at kahit kailan.

Kaya andiyan ang napakalaking posibilidad na masisingitan at masisingitan ang mga sasakyang ito ng mga mamamatay-taong yan.

oOo

Ang mahalagang usapin dito ay ukol sa kaligtasan nating lahat sa mga susunod na araw.

Sino-sino ang dapat na magtitiyak dito? Ang kasagutan ay babalik at babalik sa atin.

Kasi naman, hindi sapat ang puwersa ng pamahalaan para bantayan tayo. Kokonti ang nasa 300,000 na sundalo at pulis na magbabantay sa atin sa 7,100 isla at sa bilang natin na nasa 90 milyon na yata.

Kahit isama pa ang libo-libong barangay tanod, CAFGU at  maging ang NPA na magbantay kahit na pinagsususpetsahan din sila ngayon.

Kaya ang mamamayan ay dapat na tumulong at magtulungan.

Dapat laging magsuspetsa sa mga dapat na pagsuspetsahan at iugnay ang mga ito sa mga kinauukulan.

Namber wan na pagsusumbungan ang mga drayber at konduktor o ang mga katabi natin kung wala nang makitang mga awtoridad sa lugar na doon maaaring may mangyari para makagawa ang lahat ng mga kaukulang aksyon.

oOo

Pero paano kung ang mga nagkukudeta o terorista ang gagawa niyan, huh?

Napakalalakas ng loob ng mga ito. Magagaling pa ang mga ito sa paggawa ng mga bomba na hindi basta kayang gawin at gamitin ng mga ordinaryong kriminal.

Sa 81MM mortar lang na ginamit na bomba sa bus, ang mga may training na militar, terorista o hindi, ang makagagawa lang nito.

Cellphone ang ginamit para sumabog ang bomba.

Paano ang kaligtasan ngayon ni Juan sa ganitong sitwasyon?

Sa totoo lang napakahirap mag-isip kung ano ang gagawin.

Pero makatutulong ng malaki ang pagiging suspetsoso ni Juan.

Teka, wala bang training para rito?

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply