TV5, nakikipagsalpukan sa Dos at Siyete

SIGURADO  nang makikipagsalpukan ang TV5 sa GMA at ABS-CBN sa paghandog nila ng kanilang kauna-unahang dramaserye. And they are leaving no stones unturned because they only got the best for their first venture.

No less than the Queen of Philippine Cinema ang kinuha nila in the person of Ms. Susan Roces at pinabalik din nila si Alice Dixson mula sa Canada dito sa Pilipinas para mag-headline sa Babaeng Hampaslupa. Siyempre pa, ang title role ay ibinigay nila sa isa nilang contract star na si Alex Gonzaga who is ready to prove to everyone that she is not just Toni Gonzaga’s little sister!

Supporting cast includes Jay Manalo, Bing Loyzaga, Freddie Webb, Christian Vasquez, direk Celso Ad Castillo, Julio Diaz, Susan Africa and Anne Villegas among others kaya alam mong malaki itong proyekto. Idagdag pa diyan ang dalawang bagong leading men ni Alex na sina Alywin Uytingco and Martin Escudero na isa na rin palang certified Kapatid star.

Yes, pumirma na ng exclusive contract si Martin sa TV5 pagkatapos na mapabayaan na siya ng GMA pagkabuwag ng loveteam niya with Jennica Garcia na ipinareha na kay Carl Guevarra. Ang huling regular show na ginawa niya sa GMA ay ang Gumapang Ka Sa Lusak which was aired exactly a year ago pa. Kaya nga ipinahinga na niya ang kanyang pangalan na Mart Escudero dahil hindi na rin siya isang Starstruck ngayon.

Come to think of it, sumunod lang siya kay Jewel Mische na lumipat naman sa ABS-CBN na ngayon ay kapareha kaagad si Gerald Anderson sa isang teleserye. Magka-batch sila ni Jewel sa Starstruck Season 4, at kasama sila sa Final 4 with Aljur Abrenica at Kris Bernal na naiwan sa GMA pero buwag na rin ang loveteam ngayon.

It is interesting to note na ang ka-love triangle niya sa Babaeng Hampaslupa na si Alywyn ay present boyfriend ng kanyang ex na si Jennica Garcia. Okey naman daw yun sa kanya dahil matagal na niyang kakilala si Alwyn mula pa noon sa ABS-CBN kung saan nagkasama pa sila sa QPids dati. Yes, bago siya nag-Starstruck ay nag-Star Magic muna siya. So Martin has the distinction na naging contract star ng tatlong TV networks!

***

Pinasaya ni Kuya Daniel Razon ang movie press sa kanyang post Christmas party for the press. Nagpalaro siya ng games at nagpa-raffle at lahat ay walang umuwing luhaan dahil lahat ay may pabaan na I love you! Bongga!

What’s more, lahat ng press ay inenroll pa niya sa kanyang medical clinic na matatagpuan sa EDSA. Kaya lahat ng may sakit na reporter ay pwedeng kumunsulta ng libre sa kanyang clinic. Take note, pati gamot ay libre rin kaya saan ka pa? Talagang bagay na bagay kay Kuya Daniel ang kanyang titulong Mr. Public Service kasi sadyang matulungin siya sa kapwa niya. Manood na lang araw-araw sa UNTV at makikita kung paano siya mag-share ng kanyang blessings sa mga kapuspalad!

***

Bongga ang naging birthday celebration ng Psalmstre big boss na si Jim Acosta na ginanap sa Palladium clubhouse last Friday night. Bukod sa live band na nagbigay entertainment sa lahat guests, nagkaroon pa ng mini-fashion show kung san inirampa ng mga modelo ang mga pinasikat nyang produkto tulad ng New Placenta, Olive-C at Glutamin soaps, plus his own line of fragrances, Scent-J perfumes. Pinalabas din ang isang slide show kung saan ipinakita ang inspiring story niya bilang isang ordinaryong working student na nagtatag ng sariling advertising company kasama ang ilang kaibigan hanggang sa makabuo siya ng sarili niyang mga negosyo ay kumpanya! Present sa party niya ang Olive-C model na si JR de Guzman at ang Olive-C Campus Model search winner na si Hiro Magalona na parehong alaga ng katotong John Fontanilla.

***

Patuloy pa rin naghahari ang Bubble Gang tuwing Biyernes ng gabi at puro katatawanan na naman ang ibibigay ng masayang cast sa loyal fans ng show. For this week, mawiwindang kayo sa kanilang Bringwich (Greenwich) commercial spoof at Bomb Disarming Gags. Sabi nga ni Cheche, Bat Ganun, It’s Unfair, ito na ang Huling Sustento. Hirit naman ni Moymoy, Expired Na Po at lalong Di Ako Bading at Adik Sa Picture! Hahaha! Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply