Uge, 3 gabi di nakatulog sa halikan nila ni Richard Gutierrez

DALAWANG movie na pang-Valentine ang ginagawa ngayon ni Eugene Domingo pero naging totoo lang siya nang sabihin na mas excited siya sa My Valentine Girls kaysa sa Who`s That Girls?

Paano ba naman ay si Richard Gutierrez ang partner niya sa isa sa episode ng May Valentine Girls at mayroon pa silang kissing scene ng actor.

“Kinilig talaga ako sa kissing scene namin ni Richard Gutierrez. Hindi ko talaga akalain na makikipaghalikan siya sa akin, lalo na ngayong 40 something na ako,” say ni Uge.

Tatlong gabi raw siya hindi naka-recover pagkatapos ng kissing scene. Pero may isang batang bibo ang nagsabi na hindi talaga bagay si Uge kay Chard.

Sinabi kasi ni Jillian Ward, ang child wonder ngayon na hindi bagay si Uge kay Chard.

Tandaan ang bata ay hindi puwedeng magsinungaling. Kaya naman ang naging tugon ni Uge ay: “I agree.”

RUFA MAE, NAGBAGONG-TAON SA OSPITAL

Kung hindi pa namin nakatsikahan si Rufa Mae Quinto sa taping ng Bubble Gang ay di pa namin malalaman sa ospital siya nag-celebrate ng New Year kasama ang mga kapatid at mga kamag-anak.

Ayon kay Rufa Mae, isinugod niya sa St. Luke’s Hospital ang kanyang grandma na si Mommy Lucing matapos mahilo.

Sa nasabing ospital na sila tuloy nag-media noche kasama ang iba pang kamag-anak. January 1, 2011 na sila umuwi ng bahay sa Detroit St, Quezon City at nagpapasalamat si Booba kay Dra, Cervantes na tumingin sa kanyang Lola.

Sa pagpasok ng Bagong Taon, gusto ni Rufa Mae na maging busy kaya panay ang personal appearance niya ngayon outside Metro Manila.

Okey na raw ang grandma niya. Kailangan ng pahinga at monthly check-up. Pinag-iingat na niya ito sa pagkain para di muling tumaas ang blood pressure.

Asked about her lovelife, isang matamis na ngiti ang isinagot niya. Basta importante raw ngayon ay masaya siya at pamilya.

Sana daw kung sinuman ang lalake dumating this time sa buhay niya ay talagang mamahalin siya at maiintindihan siya sa kanyang profession bilang artista.

************

Dream come true kay Lovi Poe ang pagiging leading lady niya kay Richard Gutierrez sa pre Valentine trilogy movie.

Kaya naman super excited na si Lovi nang magsimula na silang mag-shooting dahil dati, avid fan lang daw siya ni Chard. Noon daw kapag may movie si Chard na ipinalabas ay nanonood sila ng kanyang mga schoolmates kesehodang naka-uniform pa raw sila at galing ng school.

Hindi raw niya akalain na isang araw ay siya na ang leading lady ni Richard Gutierrez sa pelikula.

Sa naturang episode ay makakasama rin nila si Solenn Heusaff kung saan pag-aagawan nila si Chard.

Samantalang super happy rin si Lovi sa sitcom na “Show Me Da Manny” with Marian Rivera at Manny Pacquiao.

Sa sitcom raw siya nagkakaroon ng pagkakataon na makapag-relax at makapag-isip ng mga tamang gagawin kapag siya ay nasasangkot sa intriga.

*************

May teaser na sa mga sinehan ang Panday, Ikalawang Aklat ni Bong Revilla. At take note, trailer pa lang ng movie ay pinapalakpakan. Lalo na siguro kung tapos na tapos na ang pelikula na magiging panlaban ni Bong sa Metro Manila Film Festival 2011.

Sa trailer pa lang ay makikita na ang magastos na special effect at costume na impressive ang dating sa big screen.

Sabi ni Bong, ang movie Panday Ikalawang Aklat ang isa sa mga pinagkakaabalahan nila ngayong magkakapatid.

“Talagang mas magiging aktibo ang Imus Production this year kaya yung pinakamalaking pelikula namin ay ipinaaalam ko na sa tao. Sana tangkilikin nila,” say ni Bong nang makatsikahan namin kamakailan. Samantalang tuloy-tuloy pa rin ang pagtatampok sa Blue Planet, ang mga creatures sa karagatan na tunay namang amazing at nakakagulat ang hatid na kaalaman Linggo-linggo sa Kap`s Amazing Stories. Gerry Ocampo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply