Umento sa sahod inihihirit ng Kamara

UMAPELA na ang mga mambabatas sa gobyerno na ikunsidera na rin ang pagtataas sa sahod ng mga manggagawa para makabawi sa serye ng pagtaas sa singil sa pasahe, bilihin at mga serbisyo.

Sinabi nina Bayan Muna Rep. Teddy Casino at Karlo Nograles ng Davao City, libu-libong manggagawa ang maaapektuhan ng pagtaas ng singil sa pasahe sa MRT at LRT kaya dapat lang na gumawa ng paraan ang gobyerno kung paano tutulungan ang mga empleyado.

Paliwanag ng mga kongresista, ang pagtataas ng singil sa toll fee ay may matinding epekto rin sa mga manggagawa bukod pa sa dagdag na singil sa MRT at LRT  kaya halos doble ang epekto nito sa publiko.

Dapat din anilang pag-aralan muna ng gobyerno kung napapanahon ba  ang pagbabawas ng subsidiya sa MRT at LRT para sa kapakanan ng mga manggagawang nakikinabang sa murang pasahe sa MRT at LRT. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply