Unang stake race puntirya ni Multiply

HANGAD ni horse owner Hermie S. Esguerra na makauna ng panalo ang pambato nitong si Multiply sa unang stake race sa taong ito, kaya naman nagdeklara ito na isali ang nasabing kabayo sa gaganaping 2011 Philracom Garnet I 1st Leg Imported/Local Challenge race.

Ang nasabing tampok na karera ay may nakatayang P300,000 para sa magwawaging kabayo kung saan ang distansyang tatakbuhin ay 1,600 meter race at ilalarga ito sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Isa sa pinakamagaling na imported horse sa bansa ay si Multiply kung saan napatunayan ito ng talunin niya si 2008 Presidential Gold Cup king Ibarra sa isang stakes race nakaraang taon.

Nakalaan din ang P112,500 sa second placer at P62,500 at P25,000 para sa third at fourth placer ayon sa pagkakasunod.

“Siya (Multiply) ang horse-to-beat kaya sa tingin ko buwena-mano si Boss Hermie (Esguerra) sa pagkopo ng karangalan ni Multiply sa pagpasok ng taong 2011.” wika ni horse trainer Nick Atienza.

Ang ibang nagsabi ng partisipasyon ay sina Juggling Act, Big Thing, Fierce Fighter, Indy Hay at Mr. Diamond.

Samantala,nakatakda ding ilarga ang Garnet II at III sa buwan na ito kung saan mga bagitong kabayo naman ang kalahok. Elech Dawa

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply