University director pinakakasuhan ng Ombudsman

INIUTOS ni Ombudsman Merceditas Gutierrez ang pagsasampa ng kaso sa isang university director dahil sa paniningil ng hindi awtorisasong school fees at apat na iba pa dahil sa iba’t ibang kaso.

Kasong paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 (The Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang kinakaharap ni  Eledio Acibar, director ng Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) Cavite Campus.

Sa reklamo ng limang faculty members ng EARIST, nagpakolekta si Acibar ng  P30 uniform rebate fee mula sa  freshmen students ng paraalan mula  school year 2008 hanggang 2009.

Nalaman ng Ombudsman sa naipalabas nitong resolusyon na ang paniningil ng naturang bayarin ay hindi napakinabangan ng  mga mag aaral

Hindi rin umano nabusisi muna ni Elcibar kung ang pagkuha ng  Uniform Rebate sa mga mag-aaral ay balido o maaaring otorisahan ng tanggapan nito.

Bunsod nito,inutos ng Ombudsman na suspendihin si Elcibar ng isang buwan na walang sahod. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply