Unson rumatsada sa Greenfields golf

PUMOSTE si Andrea Unson ng one-over-par 73 sa second round para maitala ang solo lead sa girls 13-17 division ng 11th Philippine International Junior Golf Championships sa Ayala Greenfields Golf and Leisure Club sa Calamba, Laguna.
Si Unson ay nagtala ng 148 sa loob ng dalawang araw matapos ang 75 sa opening.

Habang isinusulat ito, hawak niya ang one-stroke lead laban sa isa pang Pinay na si Princess Superal (75-149) at dalawa naman kay Daniella Uy (73-150) na isang round left na lang ang nalalabi sa 54-hole Philippine Junior Golf Foundation-organized event.

Samantala, si Clare Legaspi ay nananatili pa ring leader sa girls’ Under-12 with 69-139 habang sa girls’ 18-21 naman ay si Hsien Huang ng Taiwan (71-77-148) ay lumamang sa kababayan niyang si Chen Wei Wu (86-79- 165).

Kasabay nito, si Jobim Carlos ay patuloy pa ring dinodominahan ang boys 18-21 division. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply