Unson, Superal humataw sa Greenfield

KAPWA kumana sina Andrea Unson at Princess Superal ng three-over-par 75 dahilan upang magtabla sa lead sa girls’ 13-17 division ng 11th Philippine International Junior Golf Championships sa Ayala Greenfield Golf and Leisure Club sa Calamba, Laguna.

Hindi nakapagtatakang makukuha ni Unson ang maagang lamang dahil una na niya itong nagawa sa Team ICTSI nang manalo ang grupo ng apat na titulo noong isang taon.

Malaki ang naitulong ni Unson sa laban ng Team ICTSI sa Optimist Junior International, San Diego Masters, at dalawang Jungolf Interclub legs.

Matatandaan na nakadale rin siya ng berth sa US Women’s Amateur.

Samantala, si Daniella Uy ay itinanghal na third taglay ang 77, sinundan ni Juily Vasandani (78) at China ‘s Ziyu Ge (82).

Nagsumite naman si Taiwan’s Hsien Huang ng 71 habang ang kababayang si Chen Wei Wu ay rumatsada ng  87 sa girls’ 18-21 division. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply