US Embassy, sarado sa Lunes

SARADO  ang tanggapan ng United States Embassy  sa Lunes, Enero 17.

Kanina ay inanunsyo ng US Embassy na sarado ang kanilang tanggapan, gayundin ang kanilang affiliated offices upang bigyang-daan ang paggunita sa Martin Luther King, Jr. Day, isang federal holiday.

Ayon sa US Embassy, ang regular services ng tanggapan ay ipagpapatuloy sa Martes, Enero 18.

Ang federal holiday ay paggunita sa kaarawan ni Rev. Dr. Martin Luther King, Jr. at taunang ginugunita sa ikatlong Lunes ng buwan ng Enero, malapit sa mismong petsa ng kaarawan ni King na Enero 15.

Si King ay isang American clergyman at prominenteng lider ng African American civil rights movement.

Isa rin siyang icon sa pagsusulong ng civil rights sa US at sa buong mundo, sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply