UST dinurog ng Ateneo

IPINALASAP ng Ateneo sa women’s champion na Santo Tomas ang second straight loss taglay ang nakagugulat na straight-set sweep, 25-23, 25-14, 25-20, sa 73rd UAAP volleyball tournament kamakalawa sa The Arena sa San Juan City.

Ang panalo ay pang-apat sa eight games ng Lady Eagles subalit haharapin muna nila ang bumabagsik na National U na unang dinurog sa pamamagitan ng 25-12, 25-17, 14-25, 25-23 win ang University of the Philippines.

Layon ng grupo na makuha ang No. 4 spot sa team standings.

Matapos makaligtas sa matinding first set, ang Ateneo ay hindi na nahirapan sa pangalawang yugto matapos itong sumirit at humakot ng 2-0 lead.

Ang Tigresses, na hindi rin nakaligtas sa three-set loss sa league-leader na La Salle, ay hindi nakabangon sa third set nang pasadsarin ng Lady Eagles taglay ang 9-3 lead hanggang sa matalo na sila. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply