Valerie Concepcion, ikakasal na kay Dondon Hontiveros

TOTOO kaya na aasikasuhin na ni Valerie Concepcion ang pagpapakasal sa kanyang four-year BF na basketbolistang si Dondon Hontiveros.

Accordingly, nagkasundo na nga sina Val at Dondon na lumagay na sa tahimik.

Sa ngayon nga kasi, sibak na ang Pilipinas Win Na Win at bakante na sa trabaho si Valerie.

Kampante naman daw ang aktres/TV host at ang manager niyang si Becky Aguila dahil nangako naman ang network na hindi siya pababayaan at bibigyan ulit ng panibagong show.

In the meantime, sasamantalahin muna ni Valerie ang bakasyon niya habang wala pang project na ginagawa dahil ito na ang pagkakataon niya simula nang umere  siya sa noontime show na Wowowee  three and a half years ago.

Balak ni Valerie magpunta ng Boracay at Singapore at super-excited siya since ngayon lang talaga nakaluwag sa schedule at walang iniintinding maiiwang programa.

Bago umalis si Val ay mangangapitbahay muna siya ng network at magge-guest sa Talentadong Pinoy and Face to Face (Untold Story) ng TV5. Pero bago pa man magkaroon ng speculations, hindi po lilipat ang TV host/actress.

Mangangapitbahay lang siya sandali. Her loyalty remains on ABS-CBN at pinayagan naman siyang mag-guest sa kabila in the meantime.

May nga naka-line-up na ring guestings si Val sa ABS-CBN shows habang inaayos pa ang kanyang next regular show.

****

Dahil lang di hit ang Rosario, ‘yung movie na sinasabing kesyo ganyan at ganito, wala na raw si Jennylyn Mercado. Tanong nga ng isang mataray na kapitbahay, kailan daw ba nagging ‘in’ si Jennylyn para sabihing out na siya? Hahaha!

True nga naman,  Jennylyn, from day one of her career is just a second class citizen, meaning, tumaas lang ng kaunti sa starlet status kaya kahit na hindi pa kumita’ng kanyang Rosario, negligible na ‘yun.

Yes, hindi pa siya out pero noon pa nga hindi naman talaga siya ganun ka-in. Meaning, Jennylyn is wanting of better breaks, better luck. Who knows, ‘pag may kumatok na malaking oportunidad, baka naman maging malaking artista na siya.

O, baka naman  puwede munang hinay-hinay ang babaing ito sa usaping puson at puso. Hindi talaga nakaige sa kanyang image na nabuntisan na nga siya sa pagkadalaga, heto na  naman siya kay Dennis Trillo.

Puwede ba, maging mapagtago naman siya sa kanyang affair para naman di siya magkaroon ng image na babaing kaladkarin?

Baka kung sakali, maging malaking bituin na siya minus her scandalous love affairs.

Rendahan mo yan, Mrs. Lydia something! Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply