Van ni Emerson natagpuang nasusunog sa Bataan

MALAKI ang maitutulong sa paglutas ng kaso sa Lozano case sa natagpuang nasusunog na van na pag-aari ni Emerson sa Bataan, madaling-araw ng Miyerkules.

Kinumpirma ng Central Luzon police  na pag-aari nga ng anak ni Marcos lawyer Oliver Lozano ang natagpuang nasusunog na Kia Carnival van sa Brgy. San Simon Dinalupihan ng naturang lalawigan.

“Nalaman natin ang sasakyan ay kay Emerson Lozano. Tinext sa akin positive ang sasakyan kay Emerson Lozano,” ayon kay Central Luzon police director Chief Superintendent Alan Purisima sa isang panayam sa dzBB, Miyerkules ng umaga.

Batay kay Purisima, sinusubukan ng mga suspek na itago ang mga ebidensiya upang iligaw ang mga imbestigador sa pagpaslang sa nakababatang Lozano at sa driver nito na si Ernani Sensil.

“Nanonood sa TV ang kriminal. Gusto nila ilihis ang investigation,” dagdag pa ni Purisima.

“Ang ating CIDG Bataan naroon sa area, kasalukuyan pina-process ito,”  dagdag pa nito.

Dagdag pa ni Purisima, kung lumitaw man ssa imbestigasyon na hindi kay Lozano ang naturang van, hindi rin naman makaaapekto ito sa imbestigasyon.

Ayon kay Dinalupihan police director Superintendent Enrico Vargas, natagpuan ang van 500 metro mula sa Bataan-Pampanga boundary.

Samantala, sinabi naman ni  Bataan police chief Senior Superintendent Arnold Gunnacao sa isang panayam sa dzBB na isang Kia Carnival nga ang nasunog na sasakyan ngunit hindi pa kumpirmado kung ito nga ay kay Lozano.

“Appearance lang yan, kasi nasunog na. Walang plate ito,” sabi nito.

Ayon kay Gunnacao, napag-alaman nilang nasusunog ang naturang van nang tumawag ang isang concerned citizen sa pulisya bandang 3:00 a.m. at nagbibigay ng naturang impormasyon.

“Tine-trace na ito ng SOCO natin,” dagdag pa ni Gunnacao. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply