Venson, Emerson, Sencil case di pa tapos — PNP

BINIGYANG linaw ni Philippine National Police (PNP) Director General Chief Raul Bacalzo na hindi pa tapos ang imbestigasyon sa kasong pagpatay sa mga car dealer na sina Venson Evangelista, Emerson Lozano at pati kay Ernanie Sencil.

Batay sa panayam ng DZMM TeleRadyo,  sinabi ni Bacalzo na tuluy-tuloy pa rin ang imbestigasyon at marami pa silang nakukuhang encouraging leads sa kaso bagama’t may naaresto nang dalawang suspek.

Kaugnay nito, sinabi ni PNP chief na lalong mapapadali ang kaso sa sandaling lumabas na ang resulta ng pagsusuri ng PNP Crime Laboratory sa mga ebidensyang nakuha mula sa dalawang safe house ng carnapping syndicate na ni-raid ng mga otoridad sa Pampanga.

Sinabi ni Bacalzo na may mga ebidensya na rin sila na maaaring makapag-ugnay din sa magkapatid na sina Raymond at Roger Dominguez sa kaso ng pagpatay kina Lozano at Sencil.

Kabilang aniya rito ang duguang pantalon na maaaring sinuot ng pumatay kina Lozano at Sencil gayundin ang isang memory card ng cellphone na nakakahon at may pangalang Sencil.

Napag-alaman pa kay Bacalzo na ang Special Investigation Task Group partikular ang pinuno nitong si Chief Superintendent Benito Estipona ang tanging binigyan ng kapangyarihang magsabi kung case closed na ito.  Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply