Vice Mayor ng Masbate, pinaslang sa QC

POLITIKA ang tinitingnang motibo ng pagpaslang sa isang Masbate vicec mayor sa Quezon City, Martes ng hapon.

Batay sa report ng dzBB, isinasantabi na nila ang motibo ng pagnananakaw sa pagpaslang kay Aroroy Vice Mayor Arturo Vicente Maristela Jr.

Binaril ng nakasakay sa motorsiklo si Maristela, Martes ng hapon habang patungo  ito kasama ang kanyang mga anak at asawa sa isang kamag-anak upang bisitahin sa naturang lungsod.

Nabatid na wala namang nakuhang gamit sa naturang biktima kung kaya malabong pagnanakaw ang motibo ng pagpaslang.

Bandang 2 p.m. nang maganap ang insidente kung saan dalawang lalaki ang nakasakay sa motorsiklo at pinaputukan ang biktima sa isang subdibisyon sa Sauyo Road.

Kaagad isinugod si Maristela sa Far Eastern University Hospital ngunit hindi na nagawang mailigtas pa ng mga doktor sa kamatayan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply