Vietnam dinurog ng PHL sa Pony baseball

DALAWANG panalo pa ay uusad na ang Philippine baseball team sa pagsungkit ng world championship slot matapos sikwatin ang 26-3 win laban sa host na Vietnam sa Day 2 ng PONY Baseball Asia-Pacific Zone Championship sa Vin Yen baseball field sa Vinh Phuc Province, Vietnam.

Sina Philippine pitchers Javy Limpo at Marty Ranada ay bumato ng mga pitches na palaisipan sa mga Vietnamese kung paano tatamaan.

Ang mga Pinoy ay umiskor ng second lopsided win sa single elimination round robin tournament ng apat na bansa.

Natuklasan na ang mga Filipino batters ay ipinagpatuloy ang kanilang hitting streak makaraan ang 13-3 loss laban sa Singapore sa opening game.

Ang Philippine team, na naglalaro sa Mustang Division at kilalang Little Razcals, ay tatapusin ang kanilang single elimination round campaign laban sa Indonesia na una nang natalo ng Singapore sa hiwalay na laban, 12-2.

Ang tatanghaling kampeon ay ikakatawan ang Asia-Pacific region sa World Championship sa Texas ngayong Agosto. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply