Walang pambili ng gamot, lolo nagpatiwakal

NAGBIGTI ang isang lolo matapos problemahin ang pambili ng gamot sa ulcer sa Navotas, Lunes ng gabi.

Patay na nang makita ang biktimang si Manuel Cahete, 60 ng Daanghari, nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong 9 ng gabi nang makita ng kanyang kaanak na nakabigti ang biktima gamit ang nylon cord sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid sa apo ng biktima na si Ruben, problemado ang biktima dahil walang pambili ng gamot kapag sinusumpong ng sakit na ulcer. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply