Wanted sa FBI tiklo sa Naga

INARESTO sa bisa ng summary deportation order ng Bureau of Immigration (BI) sa Naga City ang Pinoy na nahaharap sa dalawang counts ng child molestation sa California, USA.

Inaresto ng pinagsanib puwersa ng Federal bureau of Investigation (FBI) at National Bureau of Investigation (NBI)-Bicol sa pangunguna ni NBI Regional Director Antonio Pagatpat ang suspek na si Ronnie Fuentes alinsunod sa  summary deportation order ng BI.

Natagpuan si Fuentes sa kanyang tahanan sa Brgy. San Juan, Nabua Camarines Sur.

Ayon kay Pagatpat, ang suspek na ipinanganak sa Pilipinas at lumaki sa Amerika ay isang professional photographer.

Tatlong taon na umanong nagtatago sa batas si Fuentes at nito lamang 2010 lumabas ang impormasyon ng FBI na  sa Camarines Sur nagtatago si Fuentes.

Nasa kustodiya ng FBI agents si Fuentes at nakatakdang ibiyahe ito pabalik ng Amerika. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply