WARLORDISMO MABUBUWAG BA NI CHAIRMAN BRILLANTES?

MALAKI ang inaasahan kay bagong Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes.

Dalawa ang dahilan, mga Bro. Una, pinili siya ni P-Noy na maging Comelec Tserman para malutas ang mga katakot-takot na problema sa mismong Comelec. Ikalawa, para malutas din ang katakot-takot na problema sa halalan.

Inside and outside the Comelec na paglilinis ang inaasahan kay Brillantes ni P-Noy. Sang-ayon tayo rito.
Pero ang tahasang paglapastangan sa kagustuhan ng taumbayan ang nais sana nating makitaan ng solusyon sa kamay ni chairman.

Yun bang === sa panahon ng halalan.

Itong warlordismo ang isang malaking problema. Tatak ng warlordismo ang paghahari ng 3G: guns, goons and gold. Perpekto na halimbawa ang ipinakita ng ilan sa angkang Ampatuan sa Maguindanao at Autonomous Region of Muslim Mindanao ang warlordismo.

Walang saysay ang halalan sa warlordismo dahil kung ano ang gusto ng panginoon sa halalan, yun ang nasusunod. Kung sino ang gustong pananalunin ng warlord, siya ang mananalo. Hindi umiiral diyan ang kasabihang “The voice of the people is the voice of God.”

At ang mga warlord ang niluluhuran ng mga pulitiko.  Kung luluhod man sila sa Diyos ng mga nagsisiraan at nag-aaway-away na mga pari, ministro at iba pa, pakitang tao lang lahat yan.

Sa paniniwala ng mga pulitiko, higit na makapangyarihan ang warlord kaysa ang mga pari at ministro, maging ang Diyos dahil sa may hawak ito na mga botante na kailangan nila sa halalan. Sa pananaw rin ng warlord, walang botante ang Diyos kundi siya lang ang meron nito na pinagkukunan ng boto.

Kamatayan, mga Bro, ang sentensiya ng sinomang papalag sa kagustuhan ng warlord. Kung yuyuko ka naman sa kanya, masahol pa sa aliping sagigilid at aliping namamahay ang iyong magiging buhay.
Wala kang karapatan kundi ang sumunod sa gusto ng panginoong warlord.
oOo
Heto ang mas malaking hamon kay Chairman Brillantes. May higit na malalaking warlord kaysa mga Ampatuan.

Kaya nilang utusan ang mga Kampo Aguinaldo at Crame na pumilipit o lumagot sa boses o buhay ng mga botante kung hindi kaya ng kanilang goons na gawin ito.
Mabubuwag kaya ni Chairman Brillantes ang warlordismo?


Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply