WBC 2010 Award winners

ITINANGHAL ng World Boxing Council (WBC) si Manny Pacquiao bilang Boxer of the Decade.

Fighter of the Year naman ang boksingerong si Sergio “Maravilla” Martinez habang ipinoste bilang Fighter of the Year ang tablang sagupaan nina Jean Pascal at Bernard Hopkins kamakailan.

Naging Knockout of the Year naman ang pagdurog ni Martinez kay Paul Williams habang itinanghal bilang Exemplary World Champion of the year ang heavyweight champ na si Vitali Klitschko.

Ang bakbakan naman nina Fernando Montiel at Hozumi Hasegawa ay ginawang Most Dramatic Fight of the Year.

Dahil naniniwala ang WBC na magtatagpo pa rin ang landas nina Julio Cesar Chavez Jr. at Saul “Canelo” Alvarez, itinatak bilang Hope and Revelation of the Year ang bangasan ng dalawa kamakailan na nauwi sa draw. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply