Wesley So babawi matapos lumuhod sa 6th place

HINDI na rin matatawaran ang ginawang pakikipaglaban ni Pinoy super grandmaster So sa mga bigating GMs mula sa iba’t ibang bansa matapos lumanding sa fourth to sixth places sa pagtatapos ng 73rd Tata Steel Chorus group B Chess Championship sa Wijk Aan Zee, The Netherlands.

Nakapagtala si 17 year old So, (Elo 2673) ng 7.5 puntos mula sa four wins, seven draws at two losses matapos makipaghatian ng puntos sa last round kay tournament top seeded Radoslaw Wojtaszek, (Elo 2726) ng Poland sa 24 moves ng reti opening.

Bago natamo ni So ang unang kabiguan, tumiklada muna ito ng apat na sunod na draws na nag-umpisa sa round 1 at pagkatapos ay sumulong ito ng apat na sunod na panalo ng biktimahin niya ang malalakas na players tulad nina Surya Gunguly, (Elo 2651) ng India, no. 3 seed Laurent Fressinet, (Elo 2707) ng France, tournament champion David Navara, (Elo 2708) ng Chezcoslovakia at Wouter Spoelman ng host country.

Sina Luke McShane ng England at Navara ang nagsalo sa top spot na may tig 8.5 puntos matapos magkasundo ang dalawa na itabla ang kanilang laban sa 57 sulungan ng Catalan.

Solo sa third place si Zahar Efimenko, (Elo 2701) ng Ukrain na may 8 pts. matapos makipag-draw kay Gabriel Sargissian ng Armenia sa kanilang 45 moves ng Ru Lopez.

Kasalo ni So sina Sargissian at ang tumalo sa kanya sa ninth round na si Le Quang Liem, (Elo 2664) ng Vietnam. ED

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply