Wesley So, sumulong sa ikatlong sunod na panalo

KUMAPIT na si Pinoy super grandmaster So sa tuktok ng liderato matapos isulong ang ikatlong sunod na panalo sa nagaganap na 73rd Tata Steel Chorus B Chess Championship sa Wijk Aan Zee, The Netherlands.

Tangan ang puting piyesa, nilampaso ni no. 5 seed So, (elo 2673) si seeded no. 2 David Navara, (elo 2708) ng Chezcoslovakia upang itarak ang 5 points matapos ang round 7 sa event na may 14-players round robin format.

Umabot lamang ng 37 sulungan ng queens pawn game ang laban nina So at Navara upang makisalo ang una sa tuktok kasama sina Zahar Efimenko, (elo 2701) ng Ukrain at solo leader Luke McShane, (elo 2664) ng England.

Ayon sa komentaryo ng nasabing event, weak ang d5 ng 17-anyos na si So sa 13th move subalit matapos ang ilang tirahan ay nagkaroon ng advantage ang Pinoy woodpusher matapos itira ang Bc5 sa 20th move.

Natamo ni McShane ang unang kabiguan kay Le  Quang Liem ng Vietnam matapos ang 46 sulungan ng King’s Indian habang nakipaghatian ng puntos si Efimenko kay Li Chao ng China.

Unti-unti namang humahabol si tournament top seeded Radoslaw Wojtaszek, (elo 2726) ng Poland nang kaldagin nito si Laurent Fressinet ng France.

May total 4.5 puntos si Wojtaszek para makisalo sa 4th place kasama si Gabriel Sargissian ng Armenia na pinisak si Friso Nijboer ng host country.

Lumanding sa 6th to 9th spot si Navara na may 3.5 puntos kapareho nina Li, Vladislav Tkachiev ng France at Liem. Elech Dawa

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply