West Tower Condominium pinasasagot na ng Korte Suprema

PINASASAGOT na ng Korte Suprema ang West Tower Condominium, mga residente at non government organization kaugnay sa kahilingan ng First Philippine Industrial Corporation (FPIC) na bawiin ang ipinalabas na writ of kalikasan na inisyu ng hukuman.

Sa inihaing verified return of the writ of Kalikasan ng FPIC, nagpahayag sila ng pagtutol na palitan nang buo ang kanilang pipeline na bumabaybay mula Batangas hanggang Pandacan Oil Depot dahil iyon umano ay hindi makatwiran at walang batayan.

Binigyan ng Korte Suprema ang mga petitioner ng sampung araw para magsumite ng komento.

Nadiskubre nitong Nobyembre, nakalipas na taon na ang tagas sa pipeline ng FPIC ang sanhi ng gas leak sa basement ng West Tower sa Makati.

Matatandaang ika-19 ng Nobyembre, kasunod ng inihaing petisyon ng mga residente ng West Tower, nagpalabas ang Korte Suprema ng writ of kalikasan at ng temporary environmental protection order kung saan inatasan nito ang FPIC na itigil ng operasyon ng kanilang pipeline. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply