Wish ng obispo: Sana magpaka-presidente si PNoy

HINDI kumbinsido si Butuan Bishop Juan De Dios Pueblos na ginagawa ng punong ehekutibo ang lahat upang mapangatawanan niya ang kanyang puwesto sa Palasyo.

Ani Pueblos, ang wish niya para sa Bagong Taon ay magpaka-pangulo daw sana si Presidente Benigno Aquino III na umano’y dapat magpalit ng mga tauhan niya sa Gabinete.

“I am dreaming actually, praying and hoping that he will be a president. Meaning, he will exercise actually his presidency,” ani Pueblos sa isang interbyu niya sa Radio Veritas nitong Lunes.

Di raw mawari ng Obispo kung saan patungo ang pamamalakad ni Aquino. “(A)s of now, malabo and I don’t know where we are going exactly in a way he’s trying to run the government.”

Kung nais na mas pagbutihin ni Aquino ang kanyang liderato, dapat na palitan niya ang kanyang mga tauhan, ayon kay Pueblos.

“Possible change ng mga tauhan niya who are capable, not just because it’s his barkada or loyal to his mother or father…” anang obispo.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply