Wolves nilapa ang Spurs

KUMANA si Manu Ginobili ng 19 points sa ginawang paggiba ng Timberwolves 107-96 sa San Antonio Spurs kahapon.

Samantala, humanga naman ang marami kay Nick Young nang humakot ng 43 points sa panalo ng Washington Wizards sa pamamagitan ng overtime kontra Sacramento Kings  136-133.

“I’m going to talk trash to teammates,” pahayag ni Young. “Might give Gil (Arenas) a call and talk trash. Yeah, it’s going to be a lot of talking trash going on.”

Pinangunahan naman nina Danny Granger at Darren Collison ang Indiana Pacers sa tagumpay ng team laban sa Philadelphia 76ers.

Si Granger ay tumipa ng 27 points habang si Collison ay nag-ambag ng 21 points at 13 assists sa ginawa nilang pagwasak sa kanilang nine-game road losing streak matapos sikwatin ang 111-103 victory laban sa Philadelphia.

Ang Indiana, ayon sa record, ay hindi pa nananalo sa isang road game sapul ang 107-98 win nila kontra Sacramento noong Nov. 30 ng nakaraang taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply