Zanjoe Marudo, wa keber sa tambalan ng gf na si Bea Alonzo at Robin Padilla

NAKIKITA ang magandang pananaw ng isang tao sa kanyang mga reaksyon sa anumang reaksyon ng kapwa sa kanya.

Tulad na lang nang pakikitambal ni Bea Alonzo kay Robin Padilla dahil alam naman nating magkasintahan sina Bea at Zanjoe Marudo ay bale-wala sa huli ang tambalang Bea-Robin dahil trabaho lang ito at walang personalan.

Kahit na unang naging katipan ni Zanjoe ang asawa ngayon ni Padilla na si Mariel Rodriguez, wala pa ring epekto kay Marudo kung nagpipisan ngayon ang kanyang dating girlfriend at si Binoe.

Para kay Zanjoe ay tapos nang lahat ang sa kanila ni Mariel at inaari na lamang ng magagandang alaala ang mga nagdaan sa kanila ng TV hostess.

Madalas pa nga ay nangungumusta si Marudo kay Alonzo kung ano na ang progreso ng kanilang pelikulang kasama si Robin at walang kapaitan sa aktor ang pagpareha sa ibang leading man.

***

Samantala, ang ikinaayaw umano ng mga kaanak ni Zanjoe sa mga ginagawi ng bituin ngayon ay ang pag-uwi nito ng dis-oras ng gabi kahit na walang shooting o taping.

Pero binata naman at lalaki si Marudo at ito ang kaisipang piyudal ng Filipino kaya naman saklaw pa rin ang pamilya niya sa kinalakhan at kinasanayang ganito.

Pag ginagabi nang todo si Marudo ay naiimbiyerna ang ina nito dahil nag-aalala sa sitwasyon ng anak na nagmamahal naman nang todo kay Bea.

Hindi naman nangangatwiran ang aktor bagkos ay hinahayaan lang na mangulit ang kanyang ina dahil alam niyang ginagawa lang ito nito nang dahil sa pagmamahal ng isang magulang.

***

Paspasan naman ang shooting ni Robin ng “Guns & Roses” katambal si Bea at kahit na inuumaga ay kampante lang ang action star sa kanyang trabaho para sa kanila ni Rodriguez.

Nadaanan pa nga ng mga peryodistang pampelikula na sina Alice Vergara at Fely Igmat ang shooting ng pelikula pagkagaling nila sa burol sa peryodista ring pampelikula na si Lolo Buenaobra sa may St. Peter Memorial Chapels.

Napag-alaman din ni Binoe na sumakabilang-buhay na si Lolo, isa ring movie reporter na malapit sa kanyang puso at nangakong dadalaw sa lamay pag wala nang trabaho.

Halata ani Alice sa mukha ni Robin ang kalungkutan sa pagpanaw ni Buenaobra pero wala na itong magawa kundi ipagdasal na lang ang kaluluwa nang namayapa.

Subsob sa trabaho si Robin at walang pakialam sa intrigang patay na patay raw sa kanya si Bea na maaaring ispekulasyon lang ng media dahil may Zanjoe naman ito.

***

Kasama rin sa pelikulang “Busong” ni Aureus Solito si Alfred Vargas na magus-shooting sa Puerto Princesa City sa Palawan sa ika-3 hanggang ika-9 ng Pebrero.

Kasamang lilipad ni Alfred patungong Palawan si Alessandra de Rossi na paboritung-paborito ang siyudad na ito.

Ang pelikula ni Aureus ay opisyal niyang lahok sa 2011 Cinemalaya Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines.

Nagsusyuting na rin umano si Jeffrey Jeturian para sa kanyang “Bisperas” na nakasama rin sa pestibal.

***

Tuwang-tuwa si Lani Mercado sa pagkakahalal kay Jolo Revilla bilang Executive Director ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan sa buong Pilipinas dahil hamon ito sa kakayahan ng anak sa pulitika.

Pero ayon sa kanya, ang mas mataas ang puwesto kay Jolo ay ang anak ni Recom Echeverri ng Caloocan City.

Nakakapahinga na nang matagal si Lani ngayon pero may alok sa kanya ang GMA Network na bagong soap opera kaya pinag-aaralan na niya ang pag-aasikaso ng kanyang iskedyul.

Si Edu Manzano ay may bago ring palatuntunan sa Channel 7 at nakikipagpulong na siya sa mga opisyal ng istasyon.  Boy Villasanta

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply