Zsa Zsa Padilla, ‘di tutol sa pagpapa-sexy ni Karylle

HINDI na nga tumutol si Zsa Zsa Padilla sa pagle-level up ng anak nito na si Karylle sa kanyang pagpapa-sexy sa pictorial.

Mismong si Karylle ay hindi nakaligtas sa pagsusuot ng magic kamison na kung saan ay talagang lalantad ang tunay na kagandahan ni Karylle.

Hiningi naman daw ni Karylle ng basbas ang kanyang sexy pictorial sa kanyang ina at hindi naman ito tinutulan ang gagawin ng anak na si Karylle. Hindi naman daw siya bata para pigilan ng kanyang ina at alam na nito ang tama.

Pero, kahit pupuwede na magdesisyon si Karylle ay humingi pa rin ito ng pahintulot sa ina nito.

Shocking daw sa lahat sa paglabas ng maalindog at mapangahas na sexy pictorial ni Karylle.

Kung aprub sa ina ay oks din sa kanyang bf na band vocalist ng Sponge Cola.

At kahit nga raw si Dingdong Dantes ex ni Karylle ay excited na makita ang ex-gf sa kanyang sexy pictorial na suot ang magic kamison.

May ganun?

Kahit si Karylle ay may nerbiyos sa pagsusuot sa kanyang sexy pictorial ng magic kamison pero, excited na si Karylle na gawin ito for a change daw para sa kanyang image.

Abangan!

Matapos matumba…
SHAWIE, ALALAY NA SA WORK

Over-fatigue ang itinuturong dahilan kung kaya’t bumigay si Sharon Cuneta sa big dome kamakailan sa sarili nitong bertdey concert ayon na rin mismo sa anak nito na si KC Concepcion.

Ayon naman sa aming tsimosang kapitbahay ngarag daw talaga si Mega sa preparasyon ng kanyang birthday concert. Nag-alala nga rin si KC ng biglaang tumumba ang mudra nito at na-out balance, pero kahit nga natumba ang Megastar at tuloy pa rin siya sa show at nakuha pa nga raw nitong magbiro.

Kaya naman daglian itong isinugod sa St. Lukes Global City, Taguig City. Mismong si Senator Kiko Pangilinan ay nag-worry din sa pagkakabagsak ng kanyang dyowaers.

Noong kasagsagan ng rehearsal ay nag-aalala na nga raw itong si Kiko at KC dahil gravecious daw ang preparasyon ng Mega concert ni Shawie.

Okey na ngayon si Sharon, kaya naman lahat ng mga nagmamahal sa kanya ay wala na ang pag-aalala at back to sigla na naman ang Megastar at super mega alalay at paalala itong si Senator Kiko sa dyowa at sinabihan na huwag na masyadong mag-overwork dahil labis-labis ang pag-aalala ng kanyang pamilya. Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply