‘Baho’ ng Karatedo exec sumingaw

PINARATANGAN ng mga atleta si Philippine Karatedo Federation (PKF) secretary general Raymund Lee Reyes na sangkot umano sa mga kabalbalan sa kanilang samahan. Ayon sa isang source, noong isang taon ay nakakuha si Reyes ng allowance sa Philippine Sports Commission (PSC) samantalang opisyal ito ng PKF.

“Pinalabas niya (Reyes) na isa siyang coach subalit isa siyang opisyal. Bawal iyon pero nakalusot pa rin,” pagbubunyag ng source.

“Ganoon daw siya kalakas kaya malakas ang loob niya. Sangkot din daw siya sa mga demolition jobs sa aming hanay.”

Si Reyes ang una nang binanggit ng mga sources ng Remate Sports na nagdadala umano ng babae sa athletes’ dorm sa PhilSports Complex, Meralco Avenue, Pasig City.

Ang nasabing babae, ayon sa mga sources, ay nobya umano ni Reyes na hindi malaman kung paanong hindi ito natutunugan ni PSC chair Ritchie Garcia.

Isinusuka na umano si Reyes, dagdag ng source, ng may 16 sa 20 miyembro ng national karatedo team, kaya hindi na maayos ang training ng grupo dahil mistulang demoralisado na ito.

Hindi na umano matiis ng mga karatekas ang hindi magandang trato sa kanila ni Reyes na noon pa man ay parang hindi sila itinuturing na miyembro ng Team Philippines.

Pumalag din ang mga atleta dahil sa pagkakatapyas ng kanilang monthly allowances mula sa sports commission.

“Pinapatulog na nga ang kanyang kasintahan kapag bumisita sa dorm, ‘di pa maganda ang trato niya (Reyes) sa mga athletes,” wika ng source.

“Kung minsan ay minumura rin daw ang mga atleta, nakakaawa naman sila. ‘Di siya magiging opisyal kung wala siyang miyembro kaya dapat itrato niya ng mabuti ang mga athletes natin,” dadag pa nito.

Kapag may laro ang national team sa ibayong dagat, ayon sa source, hindi umano maganda at makatao ang trato sa kanila ni Reyes.

Ipinagdiinan na gumagamit pa ang opisyal ng masamang mga salita kapag hindi nasunod agad ang pinag-uutos niya sa mga ito,

Gumagamit din umano si Reyes ng mga nakakabuwisit at nakakainsultong  aliases sa mga pangalan ng mga national team members.

Nagpahiwatig naman umano ang kampo ni Reyes na sasagutin niya sa tamang lugar at panahon ang mga alegasyon na ipinukol sa kanya ng mga karatekas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply